//
you're reading...
Literature

Filipino Article

Filipino Article

ni: Denn Reed B. Tuvera, Jr.

August 23, 2010 Hostage Drama

Si Capt. Mendoza huling nakitang buhay

Noong ika-23 ng Agosto 2010, isang trahedya ang nasubay-bayan ng buong Pilipinas at ng mundo.

Dakong ika-9 ng umaga, nagkaroon ng hostage-taking ika nga, sa Quirino Grandstand sa Luneta kung saan ang hostage-taker ay si dating pulis Capt. Rolando Mendoza ng Manila Police District.

Nuong una, ang akala ng tsuper ng bus, makikiankas lang si Mendoza. Dahil inakala nga ng driber ng bus na makikiangkas lamang sa Mendoza dahil naka Full-Battle gear ang pulis, pinasakay niya ito ng walang kamalay-malay sa gagawin nitong dahas.

Sumakatuwid, na control ni Mendoza ang sitwasyon. Inutusan niya ang driber na dalhin ang bus sa Quirino grandstand. Ang driber ay tila walang kamalya-malay pa rin. Nang makarating sila sa Grandstand, pinaporma niya ang bus na naka talikod sa entablado at nakaharap sa monumento ni Rizal.

Alam-na-alam ni Mendoza ang mga posisyong ito sa holdapan sapagka’t inaral nila ito sa pulisya. Pagkatapos nitong pa pwestuhin, sinabi ni Mendoza na “ito ay hostage-taking at walang kikilos. Ang kumilos ay mamamatay.”

Ang kanyang mga binihag ay mga turista na nanggaling pa sa Hong-Kong at ang iba ay mga kapwa niya Pinoy. Bagama’t alam niya na ang kanyang katapusan ay malapit na, sinagad-sagad niya na ito.

Nang malaman ng mga otoridad ang mga pangyayari, agad-agaran silang nagtungo sa Grandstand upang kausapin si Capt. Mendoza para matapos na ang walang kabuluhang mga pangyayari.

Nakipag-usap sila kay Capt. Mendoza at nung mga pasimulang mga usapin, pauti-unti nilang napapalaya ang mga bihag. Kada hiling ni Capt. Mendoza na nagagawa ng mga otoridad, pinalalabas niya ang kayang mga binihag.

Dakong alas-3 ng hapon, dumating si Bise-Alkalde ng Maynila Francisco Domagoso o mas kilala sa kanyang screen name na “Isko Moreno” upang makipag-ugnayan kay Captain Mendoza. Sa mabuting usapan, nagkaroon silang ng maayos na usapan na kapag pinayagan ng Ombudsman ang kanyang mga hinihiling palalayain siya at ibabalik siya sa pulisya.

Inabot ang paghihintay sa desisyon ng mahigit-kumulang na 3-oras at ng ibigay kay Capt. Mendoza ang papel kung saan nakasulat ang desisyon, binasa niya ito ng matimtiman.

Subalit, habang binabasa ni Capt. Mendoza ang desisyon, biglang nagdilim ang kanyang mundo ng mabasa niya na “pag-aaralan ulit namin ang iyong kaso.” Hindi ito nagustuhan ni Captain Mendozo. Karagdagan pa rito na nagbunga ng pagiging bayolente ni Captain Mendoza ay nang Makita niya ang kanyang kapatid na minamaltrato ng mga pulis.

Bilang kapalit sa mga ginawa ng pulis sa kanyang kapatid, pinatay ni Capt. Mendoza ang dalawang turista na mga Intsik. Nakita ito ng karamihan at doon na nagsimula ang malagim na gabi at ang huling gabi ni Captain Mendoza.

Dakong alas-8 ng gabi, inutusan ng ground commander ng Manila Police District ang kanyang assault team na atakihin na ang bus. Napag-alaman din nila na patay na lahat ng turista kaya’t inatake na nila ito.

Sa gawing kanan, may mga snipers, at sa paligid naman ng bus ay mga Special Weapons And Tactics team ang nakapalibot sa bus.

Si Captain Mendoza ay hindi nagpatalo. Siya rin ay handa na makipagbak-bakan at mamatay. Ang mga pulis, bagama’t ang kanilang mga armas ay hindi ganun ka-ganda, gayunpaman, ginawa nila ang kanilang makakaya upang matapos na ang trahedya.

Ngunit, hindi pa rin nila mapasok ang bus. Kumuha na sila ng lubid na sa isip nila, mabubuksan nila ito. Sa dulo, sila ay nabigo dahil biglang naputol ang lubid.

Inabot ang pag-assault ng mga pulis ng tatlong oras na kadalasan kapag isinasagawa ang military assault, ito ay dapat naisasagawa sa loob ng 5-minuto. Ang mga snipers ay may command na “Shoot to kill on the first opportunity!”

Napagisip-isip siguro ni Captain Mendoza na mamamatay na rin siya. Kahit ano ang kanyang gawin, makipag-barilan siya ganun na rin ang mangyayari sa kanya. Hinihintay niya ang mga pulis na makapasok sa loob ng bus at sa pagkakataong iyon, doon sila magpapatayan.

Siguro, nainip si Captain Mendoza at napagdesisyunan niya na lang na lumabas. At paglabas niya, binaril siya ng mga snipers at yun na ang kanyang huling gabi sa mundo.

Bagama’t nakakalungkot isipin ang trahedya na ito, hindi maalis ang bahid ng dugo na dumaloy sa Quirino Grandstand. Maraming nasawi, bata, matanda at iba pang mga inosenteng tao.

Ganito nga ba ang mga trahedya na dapat mangyari sa Pilipinas upang gumising ang mga tao na natutulog sa Ombudsman? Ganito ba dapat ang mangyari upang matutong kumilos ang gobyerno?

Sa tingin ko, ang trahedyang ito ay isang tawag na hindi dapat balewalain ng gobyerno. Dapat nilang hanapan ito ng solusyon upang sa ganoon, hindi na ito muling mangyayari dahil kapag ito ay muling nangyari, kita naman natin, ang mga problemang idinulot nito sa ating bansa gaya ng pagbaba ng tingin ng mga Intsik sa ating mahal na Pangulo at maraming mga inosenteng sibilyan na walang kinalaman sa trahedya ay nadamay dahil sa palpak na rekomendasyon ng Department of Justice.

Para sa akin, bilang isang mag-aaral, tinitignan ko ng mataas an gating gobyerno sapagka’t sila ang inatasan ng Diyos na mamuno sa ating bansa para ito ay maging matino at matiwasay na bansa.

Kung gagawin lang ng mga opisyal ng gobyerno ang dapat nilang gawin, hindi siguro aabot sa ganito kalalang trahedya ang mararanasan n gating Pangulo.

Ginagawa ng Pangulo ang kanyang trabaho gayun din dapat ang gawin ng mga opisyal at kawani ng gobyerno lalong-lalo na sa Ombudsman. Bagkus, dapat umayos din ang media sa kanilang mga tunkulin sapagkat, ang katotohanan sa mga ito, ginamit ng yumaong Capt. Mendoza ang media upang makita niya telebisyon ang mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. Hindi naisip ito ng media.

Sana ang trahedyang ito, na nagdulot ng maraming dugo sa Quirino Grandstand ay maging tanda sa bawat Pilipino at sa mga kawani ng gobyerno. Na dapat hindi natin tinutulugan ang mga trabaho natin. Dapat, gawin natin ito upang matapos kagad ito at hindi magdulot ng trahedya. Binabayaran ng gobyerno ang mga kawani nito upang magampanan ang kanilang mga trabaho.

Sana magising tayong lahat upang hindi na muling maulit ito. Tulungan natin ang ating Pangulo. Maganda ang kanyang mga proyekto. Suportahan natin siya upang sa ganoon, maging maayos ulit ang ating bansa.

Inaanyayahan ko ang bawat isa na suportahan ang Pangulo tungo sa ikauunlad ng bayan.


Advertisements

About Administrator

Denn Reed Tuvera is the name of the greatest lawyer in the Philippines, my Dad. Since I also own his name, I would liken myself to him. His a man of his goals and I'm different from him. He maybe a good and brilliant lawyer but I am an aspiring journalist. About me? What can I say about me? My friends told me that I am a very religious person. Yeah right! It is true. Since the time I became a Christian, I felt how it is to be a child of God. I felt my importance in this life. I felt that even though some people would disregard me in this world, God is always there beside me. I would say that I'm a friendly person. I hate quarreling with one another person. It doesn't help me and my studies. It destroys friendship. Some say that I am a "snob" or "hindi namamansin". Hehehhehe... I am not like that. I would assure you that once you get to know me more, we will have a good relationship as friends and colleagues until this world ends.

Discussion

No comments yet.

Reply...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Pages

Records

What’s the date today?

October 2010
S M T W T F S
« Aug   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 4 other followers

Authors

Twitter

Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.

%d bloggers like this: